Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sidating Court of Appeals (CA) Associate Justice Monina Arevalo-Zenarosa bilang bagong commissioner ng Commission on Human Rights (CHR), ayon sa Malacañang.

Sa Facebook post ng Presidential Communications Office nitong Huwebes, kinuha ang serbisyo ni Zenarosa dahil na rin sa malawak na karanasan sa larangan ng batas at pangangalaga sa karapatang-pantao.

Kumpiyansa naman si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magiging responsable si Zenarosa sa pagpapatupad ng karapatan ng mamamayan, partikular na sa hanay ng mahihirap.

Bago pumasok sa CA noong 2004, naging huwes muna ito sa Angeles City at naging Branch 76 judge ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC).

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Labing-limang taon din muna siyang naging QC assistant prosecutor bago magsilbi bilang RTC judge.

Nanumpa na rin si Zenarosa sa kanyang tungkulin sa tulong ni Executive Secretary Lucas Bersamin.