TAGKAWAYAN, Quezon -- Patay ang isang truck driver at sugatan naman ang kasama nitong pahinante matapos bumangga sa puno ng mangga ang sinasakyang cargo truck habang binabagtas ang Quirino Highway nitong Miyerkules, Marso 22, sa Brgy. San Francisco ng bayang ito.

Ayon sa ulat, kinilala ang nasawi na si Jose Aquino, 31, residente ng San Jose, Oco, Viga Catanduanes, at sugatan na si Nicky Jiggs Abraham, 21, residente ng Quezon, Catanduanes.

Dakong alas-9:45 ng umaga ang trak ng biktima na Isuzu Cargo Aluminium siding na may plakang RLZ 456 ay binabagtas ang nasabing lansangan na kargado ng scrap material.

Nag-over take umano si Aquino sa nasa unahan into sasakyan subalit may makakasalubong sa kabilang linya kung kaya kumabig sa kaliwa para maiwasan makabanggaan subalit nawalan ng kontrol at bumangga naman sa puno ng mangga.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Si Aquino ay nagtamo ng grabeng pinsala at namatay noon din sa lugar ng aksidente, gayung si Abraham ay isinugod sa Ma. L. Eleazar General Hospital ng Tagkawayan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.