Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang probinsya ng Cagayan nitong Huwebes ng umaga, Marso 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 7:32 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 20 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Dalupiri Island, Calayan, Cagayan, na may lalim na 43 kilometro.
Naitala ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - Pasuquin, Ilocos Norte; San Antonio, Zambales
Intensity II - Laoag City, Ilocos Norte; Narvacan, Ilocos Sur; Ilagan, Isabela;
Intensity I - Penablanca at Gonzaga, Cagayan; Batac, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur; at Santol, La Union
Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa posibleng aftershocks dahil sa lindol.
Wala namang inaasahang pinsalang maidudulot ang nasabing pagyanig.