Nailigtas ng mga awtoridad ang apat na tripulante ng isang bangkang de-motor na lumubog matapos mabangga ng isang dolphin sa karagatang sakop ng Sta. Ana, Cagayan kamakailan.

Sa post ng PCG sa kanilang Facebook nitong Huwebes, naglalayag ang MB Kiray 15 nautical miles o mahigit 27 kilometro mula sa Palaui Island sa Sta. Ana nitong Marso 20, patungong Babuyan Claro nang aksidenteng bumangga sa kanila ang isang dolphin.

Dahil dito, kaagad na lumubog ang kalahati ng bangka kaya napilitan ang apat na tripulante na itapon sa dagat ang ilang karga.

Bago pa tuluyang lumubog ang bangka, dumating ang search and rescue team ng PCG Sta. Ana sub-station.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Idinagdag pa ng Coast Guard, nasa mabuting kalagayan na ngayon ang mga tripulante na sumailalim muna sa medical check-up bago inihatid sa kanilang pamilya.