Ibinahagi ng estudyante at commuter na si Allana Columbres sa social media na nasira ang kaniyang laptop na nakasilid sa backpack matapos niya itong isalang sa isang x-ray scanner sa MRT 3 Taft Station noong Miyerkules, Marso 15.
Sa isang Twitter thread nitong Lunes, Marso 20, kinuwento ni Columbres na pauwi siya sa kanilang bahay bandang 9:00 ng gabi nang mangyari ang insidente.
“It was a rush hour but I made sure to be mindful of my belongings as I was carrying my laptop and other valuables with me,” kuwento ni Columbres.
“When it was my turn to put my bag inside the scanner after long minutes of queuing, I made sure to lay it flat — anyone with a laptop would know to lay it flat on its back to avoid damage bc of how small the scanner is.”
Nang ilalagay na raw niya sa scanner ang kaniyang backpack na may lamang laptop, pwersahang tinulak umano ng isang lalaki ang kaniyang bag sa scanner na naging dahilan naman ng pagkasalang ng kaniyang backpack sa scanner nang patayo.
Nagsimula na raw siyang mag-panic nang mga sandaling iyon lalo na nang makitang na-stuck na sa scanner ang kaniyang backpack.
“The guards just watched, no emergency protocol whatsoever. They just watched as I struggled to reach for my bag,” saad ni Columbres.
“We all know that the scanner has an emergency stop button pero hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit hindi nila pinindot yun kahit hindi na umaandar yung conveyor belt. They just watched and reacted offensively as I was panicking in front of them. We all heard a loud crack, and then the conveyor started moving again,” dagdag niya.
Matapos ang sandaling iyon, siniyasat na lamang daw ni Columbres ang kaniyang laptop at napag-alamang nabaluktot nga ito at nabasag pa ang screen nang husto.
“Tiningnan lang ako ng guards at iba pang mga tao while I was having a panic attack. Tinalikuran ako ng guards, and announced on their megaphone ‘Ilagay niyo po nang maayos yung bag niyo para di kayo matulad kay ate dito’ (referring to me),” saad niya.
“Kahit konting sympathy man lang sana would’ve been fine. But no, they didn't care even for a while. I felt so bad for myself.”
Ang nasabing laptop ni Columbres ay nabili lamang umano noong nakaraang taon ng kaniyang amang OFW bilang birthday gift sa kaniya.
“This laptop is very sentimental to me kaya ingat na ingat ako dito -- only for it to be destroyed because of an inconsiderate person,” ani Columbres.
“To other commuters, please be mindful of how you put your bags in the scanner. I understand that many of us are in a rush but please be considerate of other people and their belongings. You don’t know how important it may be to them,” saad pa niya.
Humingi naman ng paumanhin ang Department of Transportation (DOTr) MRT-3 sa nangyari, ngunit sinabing wala silang pananagutan sa nasabing insidente.
BASAHIN: MRT-3, nagbigay ng pahayag sa estudyanteng nasiraan ng laptop sa x-ray scanners