LAGUNA – Arestado ang isang lalaking akusado ng panggagahasa at isa sa mga most wanted person ng Region 4A sa isang manhunt operation sa San Pedro City noong Lunes, Marso 20.

Kinilala ng Laguna Police Provincial Office (PPO) ang akusado na si alyas Toto.

Kinulong ng mga operatiba ng San Pedro City Police Station (CPS) si alyas Toto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 170 dahil sa rape by sexual assault na walang inirekomendang piyansa, at acts of lasciviousness na may inirekomendang piyansa na P180,000.

Nasa kustodiya na ngayon ng San Pedro CPS ang akusado.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa isang pahayag, pinuri ni Laguna PPO Director Col. Randy Glenn G. Silvio ang San Pedro CPS para sa matagumpay na operasyon at sinabing ang pag-aresto ay makatutulong sa pagbibigay ng hustisya sa pamilya ng biktima.

Carla Bauto Dena