Sumabog na naman ang social media ni Pia Wurtzbach matapos ngang humirit ng Vitamin D sa fiancé na si Jeremy Jauncey. Eh ano nga ba iyon?

Naloka ang netizens sa bagong banat ni Pia sa kaniyang social media post, Martes.

Tampok ang dalawang larawan ng soon-to-be-mister sa Seychelles, hindi na naman nakawala ang fiancé sa pilyang hirit ng Pinay Miss Universe.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“Another adventure with my love 💙 My daily dose of Vitamin C…cos when I see you, oks na me 😝 Kung may Vitamin D, mas happy ☀️😂😂 @jeremyjauncey,” mababasa sa caption ni Pia.

Dahil sa tila makahulugang linyahan ni Pia, laugh trip na reaksyon ang inani ng post mula sa mga netizens.

Karamihan, ay napa-sanaol na lang sa walang kaabug-abog na sey ng Pinay online.

Basahin: Instant viral! Pa-puwet ni Pia Wurtzbach online, ikinaloka ng kapwa celebs, netizens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa Instagram, umabot na sa mahigit 244,000 likes ang naturang post habang nasa mahigit 65,000 naman ang inani nitong reactions sa Facebook.

Kaya mang makipagrampahan nang buong fierce sa runway, kilala naman sa kaniyang nakakaaliw na mga banat kay Jeremy si Pi online.

Matatandaan ang una ring naging viral na “hagisan sa bed” na sey ni Pia noong Enero na ikinawindang din ng maraming netizens.

Basahin: ‘Joke lang kasi!’ Pilyang ‘hagisan sa bed,’ kinambyuhan na ni Pia Wurtzbach – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Pia, kinailangan nang mag-explain kalaunan. Lol!

Samantala, kamakailan ay ibinahagi na ni Pia na naghahanda na sila ni Jeremy para sa nalalapit na kasal.