TACLOBAN CITY – Isang 33-anyos na saleslady ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang live-in partner sa kanilang bahay sa Burayan, San Jose District dito noong Linggo, Marso 19.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Dailyn Tiu.

Ayon sa imbestigasyon, narinig ng mga kapitbahay ang mainitang pagtatalo ng mag-asawa matapos ihayag ng biktima ang balak nitong makipaghiwalay sa tumangging suspek na si Jason Roa, 28.

Ilang saglit pa ay narinig ang biktima na sumisigaw ng tulong.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ipinatawag ang mga pulis at nadiskubre si Tiu sa sahig na naliligo sa sariling dugo.

Natagpuan naman si Roa na duguan sa kanilang kama.

Si Tiu ay idineklarang patay ng mga forensics probers na dumating para iproseso ang pinangyarihan ng krimen.

Dinala si Roa sa ospital.

Marie Tonette Marticio