Hindi makapaniwala si Kapuso host Rabiya Mateo na isa siya sa star-studded cast ng upcoming mystery murder series ng GMA Network na “Royal Blood.”

Opisyal nang ipinakilala ang cast ng brand new GMA show tampok sina Dingdong Dantes, Tirso Cruz III, Rhian Ramos, Arthur Solinap, Dion Ignacio, at ang mag-asawang sina Megan Young at Mikael Daez, bukod sa iba pa.

Para naman sa dating Miss Universe Philippines na si Rabiya, isang malaking blessing para maging kahanay ng mga batikang aktor para sa Kapuso project.

#RoyalBlood soon on GMA. So blessed to be part of this mystery murder teleserye❤️❤️❤️ Lord, I don’t know what did I do to deserve this pero maraming salamat po talaga. 🙌🙌🙌” mababasa sa caption ni Rabiya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Kaniya-kaniya namang pagbati ang mababasa sa comment section ni Rabiya.

Syempre, hindi rin nagpahuli ang proud boyfriend at kapwa Kapuso actor na si Jeric Gonzales para batiin si Rabiya.

“Congratulations baby 😘 I am so proud of you 👏🏻,” komento ni Jeric na ikinasanaol ng netizens.

Matatandang sa isang panayam kamakailan, nagpahayag na si Rabiya ng pagkahanda para maging isang ganap na ina.

"Nabilhan ko na ng bahay si Mama, nabigyan ko na sila ng... yung savings, nakapag-ipon na po ako.

Basahin: Rabiya Mateo, nakapagpundar ng bahay para sa kaniyang ina sa Iloilo: ‘Ako naman ma’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Siguro hindi agad-agad, pero siguro in two years, kasi gusto ko rin maging nanay na. I can see myself.

"Pero hindi lang naman kasi yun ang desisyon na ako yung gagawa. Kaming dalawa dapat ng partner ko,” pagtukoy niya kay Jeric.

Noong Pebrero nang kumpirmahin ni Rabiya na nagkaayos muli sila ni Jeric matapos ang ilang isyu noong 2022.