Makalipas ang halos apat na araw, patuloy na nalagasan ng kaniyang Instagram followers si James Reid. Ito’y kahit ipinagtanggol at itinanggi na niya ang mga chismis umano laban sa rumored partner na si Issa Pressman.

Matatandaang Huwebes ng gabi, Marso 16, pinag-usapan online ang tila pa-soft launch na umano nina James at Issa sa Instagram matapos magkahiwalay na magbahagi ng kanilang larawan matapos dumalo sa concert ni Harry Styles.

Pagbengga ng fans, may sense umano ang unang chika noong 2020 kung saan inakusahan si Issa na naging dahilan daw ng hiwalayan noon ni James at dating partner na si Nadine Lustre.

Dahil dito,nag-aalburutong netizens ang sumugod sa magkahiwalay na IG posts ng dalawa at sabay-sabay na kinundena sa kanilang comment.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Makalipas ang halos apat na araw, kapansin-pansin pa rin ang patuloy na pagkalagas sa followers ni James sa Instagram.

Basahin: James Reid, nalagasan ng libu-libong followers sa IG kasunod ng paandar nila ni Issa Pressman – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

James Reid/Instagram

Sa pagtatala ng Balita hapon ng Biyernes, Marso 17, nasa 7,265,431 pa ang followers ng singer-actor sa Instagram. Ngayong Lunes ng hapon, Marso 20, nalagasan na ng mahigit 40,000 followers si James dahilan para nasa 7,225,301 na ang makikitang kumpletong followers sa kaniyang Instagram.

James Reid/Instagram

Sa pag-uulat, nanatili pa rin sa Instagram ang kontrobersyal na post ni James. Bukas pa rin ang comment section nito at tila wala namang balak na burahin ang aktor ang nagngangalit na mga saloobin ng netizens.

Samantala, nauna nang ipinagtanggol ng aktor si Issa laban sa umano’y mga chismis lang noon at ngayon.

Dito, tila kinumpirma na rin ni James ang kanilang relasyon.

“I’m only gonna say this once. The past rumors about Issa are just that, rumors,” ani James.

“I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful. And I’m not gonna let anyone take that away from me.

“All you need to know me is that I’m the happiest I’ve ever been,” pagtatapos niya.

Basahin: James Reid kay Issa Pressman: ‘This is the start of something beautiful’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid