QUEZON - Kalaboso ang isang buy and sell agent matapos umanong masamsaman ng ₱7.6 milyong halaga ng illegal drugs sa Lucena City nitong Lunes ng madaling araw.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Andrian Saludez, 34, binata at taga-Immaculada Subd., Barangay Isabang ng lungsod.

Si Saludez ay dinakip ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit-Quezon, Philippine Drug Enforcement Agency Region 4A (PDEA-4A), Lucena Special Drug Enforcement Unit matapos makumpiskahan ng 375 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱7,650,000, dakong 2:24 ng madaling araw.

Inaalam pa ng pulisya ang lawak ng operasyon ng suspek at mga kasabwat nito sa sindikato.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!