Hindi nakalusot sa Bureau of Customs (BOC) ang₱86 milyong halaga ng ipinuslit na asukal sa Port of Subic sa Zambales kamakailan.

Kinumpiska ng mga tauhan ng Intelligence Group at Enforcement Group ng BOC ang 30 container van na may kargang asukal na galing Hong Kong dahil sa technical smuggling nitong Marso 15.

Sa rekord ng BOC, idineklara ang kargamento bilang slipper outsoles at styrene butadiene rubber. Gayunman, nadiskubreng naglalaman ng asukal ang mga ito.

Nasa 15,648 sakong asukal ang kumpiskado sa naturang anti-smuggling operation.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Inihahanda na ang BOC ang mga kaso laban sa mga may-ari ng kargamento.