Nakatakdang magharap ng petisyon sa Kamara si Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo upang hilinging patalsikin na si Rep. Arnolfo Teves bilang kongresista.

“Meron pa po kaming ibang isinusulong sa Kongreso.Sana suportahan din ng Kongreso 'yung amin talagang nire-request na he be expelled from the Congress,” paliwanag ng alkalde na ang tinutukoy ay si Teves.

Hindi pa rin umuuwi sa bansa si Teves mula nang magtungo sa Estados Unidos kamakailan.

Sinabi ng alkalde, suportado rin nito ang panawagan ng mga kongresista na umuwi na sa Pilipinas si Teves upang harapin ang mga kaso nito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dalawa sa inarestong suspek sa pagpapatay kay Degamo, ang nagbunyag sa pulisya na isa umanong "Cong Teves" ang nag-utos upang patayin ang gobernador.

Itinanggi na ni Teves na sangkot sila ng kanyang kapatid na si Henry sa pamamaslang kay Degamo.

Bago ang pagpatay kay Degamo nitong Marso 4, nagtungo na sa Amerika si Teves para sa kanyang personal trip noong Pebrero 28.

Gayunman, hindi na ito nakabalik sa Pilipinas nitong Marso 9, ang huling araw nito sa labas ng bansa.

Matatandaangsinugod ng mga armadong lalaki ang bahay ni Degamo at pinagbabaril ito.

Bukod sa gobernador, napatay din sa insidente ang walo iba pa.