Isang 53-anyos na lalaki na pinaghahanap ng pulisya dahil sa pagpatay ang inaresto ng mga miyembro ng Pasay Police Warrant and Subpoena Section (WSS) sa isang manhunt operation laban sa mga wanted person nitong Sabado, Marso 18.

Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang suspek na si Rolando Garay.

Tinukoy ng pulisya ang suspek bilang top 1 most wanted person sa lungsod para sa buwan ng Marso. Sinabi ng SPD na naaresto si Garay dakong alas-2:15 ng hapon sa kahabaan ng Saint Joseph Street, Barangay 201, Pasay City.

Sinabi ni Pasay City Police Chief Col. Froilan Uy na ang warrant of arrest para kay Garay ay inilabas ni Pasay Regional Trial Court (RTC) Branch 114 Judge Elmer Joseph Guerzon na walang inirekomendang piyansa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasay police custodial facility.

Jean Fernando