Inalis na ang ipinaiiral na fishing ban ng Calapan City government sa Oriental Mindoro sa kabila ng nararanasang oil spill.

Sa panayam sa telebisyon, ipinaliwanag ni City Administrator Raymund Ussam, wala nang indikasyong apektado ng pagkalat ng langis ang mga isda sa karagatang bahagi ng kanilang lugar.

Dahil dito, pinapayagan muli ng pamahalaang lungsod na pumalaot ang mga mangingisda.

Gayunman, nilinaw ni Ussam na bawal pa ring maligo sa baybayin ng Barangay Navotas, Maidlang at Silonay na apektado pa rin ng oil spill.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pamamahagi ng ayuda para sa mga mangingisda at residenteng apektado ng insidente.

Matatandaang lumubog sa Naujan sa naturang lalawigan ang MT Princess Empress na may kargang 800,000 litrong industrial oil matapos hampasin ng malalaking alon habang naglalayag mula Bataan patungong Iloilo nitong Pebrero 28.