ILOCOS NORTE - Hindi kaagad naapula ng mga awtoridad ang grass fire sa Pagudpud nitong Linggo ng gabi.

Sa paunang report ng Pagudpud Municipal Police, dakong 8:40 ng gabi nang sumiklab ang bahagi ng stingray memorial site sa Barangay Caunayan.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng Pagudpud Police Station, Bureau of Fire Protection, at ilang forest ranger sa lugar.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol