Ipinagmalaki ng Malacañang ang mahigit sa ₱1.2 milyong benta ng Kadiwa center na binuksan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Pili, Camarines Sur kamakailan.

Sa Facebook post ng Malacañang nitong Marso 18, naka-₱431,162 kaagad ang benta ng Kadiwa sa unang araw ng pagbubukas nito at nasa ₱780,912 naman sa ikalawang araw nito.

Binigyang-diin ng Malacañang, malaki ang pakinabang ng publiko sa Kadiwa ng Pangulo (PNP) program ng gobyerno.

Nasa ₱931,329 naman ang napagbentahan ng Kadiwa center sa Cebu City.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nauna nang sinabi ng gobyerno na nabibigyan ng malaking kita ang mga magsasaka dahil direkta nilang naiaalok sa publiko ang kanilang produkto sa tulong ng programa.

Sa ngayon, umabot na sa 500 KNP outlet ang binuksan ng pamahalaan sa buong bansa.