Binanggit ni Senador Robinhood Padilla na alinsunod sa Konstitusyon ng bansa, inosente pa rin si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves hangga't hindi pa napatutunayang "guilty" siya sa pagiging sangkot sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4.

“Sa ngayon inosente pa siya, 'di pa dumaan sa hearing o paglilitis. Kaya sa ngayon ibigay natin sa kaya na siya ay inosente pa,’’ pagbibigay-diin ni Padilla.

Nanawagan din si Padilla kay Teves na umuwi na ng Pilipinas mula sa United States para harapin ang mga binibintang sa kaniya hinggil sa pagkasawi ni Degamo at walo pang sibilyan na nadamay sa ambush.

Nangyari ang pagpaslang sa gobernador noong Marso 4 sa harap ng tahanan nito sa lungsod ng Pamplona habang nakikipag-usap sa mga benepisyaryo ng 4Ps.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!

Samantala, inalala rin ni Padilla ang kaniyang sariling karanasan noong siya umano ang may kinahaharap na isyu.

“Alam n'yo, ako, nangyari din sa akin 'yan sa experience ko nang lumabas ang aking warrant of arrest,’’ kuwento ni Padilla.

“Nagtago din ako 1.5 buwan. Umakyat pa ako ng bundok bago ko na-realize [na] kailangan kong harapin kung anuman ang kaso."

Nahatulan si Padilla ng kasong illegal possession of noong 1994 at nakalabas sa kulungan pagkalipas ng apat na taon matapos siyang gawaran ng "pardon" ni dating Pangulong Fidel Ramos.