Umabot na sa 1,726 sakong oil-contaminated materials ang nakolekta ng Philippine Coast Guard (PCG) sa tatlong bayan sa Oriental Mindoro kasunod ng oil spill dahil sa paglubog ng isang oil tanker kamakailan.

Sa social media post ng PCG, naipon ang daan-daang sako ng oil-contaminated debris mula nang isagawa nila ang cleanup operations sa karagatang sakop ng 13 barangay ng Naujan, Bulalacao, at Pola, Oriental Mindoro nitong Marso 1.

Nitong Marso 17, nasa 218 sakong oil-contaminated debris ang nakolekta ng PCG sa tulong na rin ng M/Tug Titan-1 at M/Tug Lidagat.

Daan-daang sako pa ng oil-contaminated materials ang inaasahang maiipon ng ahensya sa pagpapatuloy ng paglilinis sa baybayin ng lalawigan sa mga susunod na araw.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang tumagas ang 800,000 litrong industrial fuel oil sa karagatan ng Naujan kasunod na rin ng paglubog ng MT Princess Empress habang naglalayag mula sa Bataan patungong Iloilo nitong Pebrero 28.