Planong isailalim sa lookout bulletin ang mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo kamakailan.

Ito ang isinapubliko ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Mico Clavano sa isinagawang pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado, Marso 18.

Bahagi aniya ito ng mga hakbang ng pamahalaan habang iniimbestigahan pa ang pamamaslang sa gobernador at sa walong iba pa sa Pamplona, Negros Oriental.

“We have taken precautions and will take further precautions because the cases are increasing,” ani Clavano.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

“So all those that are in relation to the Degamo slay. We have taken concrete steps to issue an international lookout bulletin, we have discussed putting people on the Blue Notice,” sabi ni Clavano.

Paliwanag ng ahensya, ipinalalabasang blue notice mula sa International Criminal Police Organization (Interpol) upang makakuha ng karagdagang impormasyon laban sa mga indibidwal na pinaghihinalaang gumawa ng krimen o may nalalaman sa isang krimen.

“As of right now, yes, they can go out (of the country) because we don't have a compulsory process where we can force them to stay here in the country,” anang opisyal.

Sa ngayon aniya, nasa 10 pang pinaghihinalaang dawit sa krimen.

Matatandaangpinagbabaril si Degamo habang inaasikaso ang mga benepisyaryo ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) sa kanilang bahay sa Pamplona nitong Marso 4.

Philippine News Agency