Matapos maging isyu ang "soft launch" ng relasyon nina James Reid at Issa Pressman, muli na namang lumutang ang pangalan ni Kapuso star Bea Alonzo sa iba't ibang social media pages.

Ooopppss, huwag kang mag-alala; walang kinalaman si Bea sa relasyon ng dalawa. Ginawang "bala" ng mga netizen ang kontrobersyal na pahayag noon ni Bea tungkol sa paglabas ng katotohanan, sa pagdating ng oras o takdang panahon.

Nangyari ito sa panahon naman ng hiwalayan nila ng ex at Kapamilya actor na si Gerald Anderson.

"TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER," saad ni Bea sa kaniyang Instagram post kung saan ipinakita niya ang pagtatampisaw niya sa ilog sa property niya sa Zambales.

James Reid kay Issa Pressman: 'This is the start of something beautiful'

Screengrab mula sa IG ni Bea Alonzo via FB page na "Tatak Pelikula"

At sa "soft launch" nga ng relasyong James at Issa, naikapit ito sa kanilang dalawa, lalo't todo-tanggi umano noon si Issa na may namamagitan sa kanilang dalawa ni James, at posibleng dahilan daw nagkahiwalay sina James at Nadine, at kung bakit nabuwag ang "JaDine" in real-life.

Samantala, naglabas naman ng opisyal na pahayag si James upang ipaliwanag ang kaniyang panig mula sa bashing na natatanggap nila ni Issa.

Screengrab mula sa IG ni James Reid

Bukod sa IG post ni Bea, binalikan din ng netizens ang lumang FB post ni Yassi Pressman bilang pagtatanggol sa kaniyang kapatid noon.