San Fernando, Pampanga -- Nasamsam ng awtoridad ang ₱340,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu sa dalawang drug personalities sa isinagawang buy-bust operation sa Angeles City noong Huwebes, Marso 16.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagsagawa sila ng anti-illegal drug operation sa Brgy. Pulungbulu, Angeles City na nagresulta sa pagkakaaresto kina Jesus Sarmiento at Michael Abbas na parehong residente ng Brgy. Pandan.

Nakumpiska sa kanila ang 50 gramo ng umano'y shabu na nagkakahalagang ₱340,000.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec 5 and 11, Art. II of R.A. 9165.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol