Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Zambales nitong Biyernes, dakong 9:56 ng gabi, Marso 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ito ay ilang minuto lamang matapos ang magnitude 5.1 na lindol na yumanig naman sa probinsya ng Ilocos Norte dakong 9:23 ng gabi.

BASAHIN: Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Sa tala ng Phivolcs, namataan ang epicenter ng lindol sa Zambales 49 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng San Antonio, Zambales.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tectonic din umano ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 21 kilometro.

Dahil dito, naramdaman ang Intensity II sa Quezon City.

Hindi naman inaasahan ng Phivolcs na magkakaroon ng aftershocks dahil sa nangyaring lindol.

Wala rin umanong posibleng pinsalang maidudulot ang nasabing pagyanig.