Nangunguna na ngayon ang TNT Tropang Giga sa puwesto sa quarterfinals matapos pabagsakin ang Ginebra, 114-105, sa PhilSports Arena sa Pasig City nitong Biyernes ng gabi.

Malaki ang naitulong ni Roger Pogoy sa panalo ng Tropang Giga matapos kumubra ngn 22 points. Tampok sa ratsada nito ang pitong sunud-sunod na puntos, kaya nakuha nila bentahe, 110-104, 2:25 na lamang ang natitira sa laban.

Nag-ambag din sa last period sina Mikey Williams (25 points) at Calvin Oftana (22 points) kaya naipreserba nila ang tagumpay sa nasabing laban.

Nagposte naman ng 34 points si TNT import Rondae Hollis-Jefferson, idinagdag pa ang 11 rebounds, apat na assists, at apat na steals.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sa panig ng Ginebra, gumawa lamang ngn 27 points si Justin Brownlee, at nagdagdag ng 19 points sina Christian Standhardinger at Scottie Thompson.

Hawak na ng TNT ang 10-1 record.