Excited na ba kayo, Swifties?

Inanunsyo ni American singer-songwriter Taylor Swift na magre-release siya ng apat na awitin ngayong Biyernes, Marso 17, bilang selebrasyon ng kaniyang 'The Eras Tour'.

Sa kaniyang Instagram story, ibinahagi ni Swift na ilalabas ang apat na awitin sa hatinggabi na nasa bandang 1:00 ng tanghali naman sa oras dito sa Pilipinas.

"In celebration of The Eras Tour I'm releasing 4 previously unreleased songs tonight at midnight," ani Swift.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Tatlo umano sa mga ito ay 'Taylor's version songs' habang isa naman ay 'never-heard-before song'.

Larawan mula kay Taylor Swift/IG

Ayon kay Swift, ang mga pamagat ng tatlong awiting 'Taylor's version' na ilalabas niya ay ang 'Eyes Open', 'Safe & Sound' at 'If This Was A Movie'.

'All Of The Girls You Loved Before' naman ang pamagat ng kaabang-abang ding bagong ilalabas na awitin ng singer-songwriter.

Magaganap umano ang 'The Eras Tour' ni Swift mula Marso 17 hanggang Agosto 9 ngayong taon.

Ito muli ang unang tour ni Swift makalipas ang limang taon matapos ang kaniyang 'Reputation Stadium Tour' noong 2018.