Inanunsyo ng Pop Royalty na si Sarah Geronimo ang pagbabalik nito sa concert scene kasabay ng kaniyang dalawang dekada sa industriya.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sarah ang detalye ng kaniyang anniversary concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na Mayo 12.

View this post on Instagram

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph)

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Naglalaro mula 600 pesos hanggang 15,000 pesos ang presyo ng tickets, na siyang magsisimula nang ibenta alas dos ng hapon ngayong araw, Marso 17.

Concert seat plan photo from Viva Live Inc/ FB

Ikinatuwa naman ng “Popsters” ang anunsyong ito ng pop star na agad namang nag-trending sa social media. Inaasahan na ipe-perform ni Sarah ang kaniyang mga hit songs gaya ng “Tala,” “Ikot-Ikot,” at “Dati-Dati.”

Kasama ni Paolo Valenciano, tatayo rin si Sarah bilang direktor sa kaniyang anniversary concert, na siyang handog ng Viva Live, Inc., at G Productions PH.