Nagpahayag ng pagbati si Ilocos Norte 1st district Rep Sandro Marcos nitong Biyernes, Marso 17, kay Dr. Aira Cassandra Castro mula sa Mariano Marcos State University-Batac matapos itong maging topnotcher sa Physician Licensure Exam (PLE).

Sa 1,573 bilang ng mga nakapasa sa pagsusulit, si Castro nga ang nanguna matapos itong magkaroon ng passing rate na 89%.

BASAHIN: 54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

"Kudos to Dr. Aira Cassandra S. Castro for topping the Board Exams," pahayag ni Marcos sa kaniyang Facebook post. "You have made your kakailians extremely proud!"

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Binati rin ng mambabatas ang Mariano Marcos State University matapos makapasa ang lahat ng kanilang exam takers.

"A job well done to Mariano Marcos State University for garnering a 100% passing rate with their 5 examinees:

Dr. Christian Alvin Arca

Dr. Aira Cassandra Castro

Dr. Neil Justine dela Cruz

Dr. Marianne Shem Caraang

Dr. Mida Dorothy Manayon," ani Marcos.

"Congratulations to our new medical doctors," saad pa niya.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), 2,887 ang kabuuang bilang ng mga kumuha ng March 2023 Physician board exam na ginanap noong Marso 5, 6, 12 at 13, sa testing centers sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.