Nasa 1,100 na vendor na kabilang sa naapektuhan ng sunog sa Baguio City market kamakailan ang inayudahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Biyernes.

Binanggit ni DSWD-Cordillera Administrative Region (CAR) Leo Quintilla, ang mga tumanggap ng financial assistance ay benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng ahensya.

Ang naturang ayuda ay magsisilbing puhunan ng mga ito sa muling pagsisimula ng kanilang negosyo sa Baguio City public market na nasunog nitong Marso 11, ayon sa DSWD.

Tiniyak din ng DSWD na patuloy pa rin ang kanilang pamamahagi ng family food packs upang matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng sunog.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol