Tila isinara ni Senador Jinggoy Estrada ang posibilidad na maipapasa ang panukalang batas na magbibigay ng ₱150 taas-sahod sa mga manggagawa ng pribadong sektor sa darating na Mayo 1 o ang Araw ng mga Manggagawa.

Ito ay matapos ihain ni Senate President Juan Miguel "Migz" Zubiri ang Senate Bill No. 2002 na naglalayong taasan ng ₱150 ang sahod ng private sector workers sa lahat ng rehiyon sa bansa.

BASAHIN: Zubiri, isinulong ang ₱150 taas-sahod para sa private sector workers

Ayon kay Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor and Employment, imposibleng maipasa ang panukala sa Labor Day dahil magkakaroon ng "break" ang Senado sa mga susunod na linggo at babalik lamang sa Mayo.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"So that is very improbable," saad niya.

Bukod dito, binigyang-diin din ni Estrada na isang taon pa lamang daw simula nang magbukas ang ekonomiya ng bansa matapos ang Covid-19 restrictions, kaya't nahihirapan pa raw ang Pilipinas na bumalik sa pre-pandemic levels.

"More than the issue of wage increase is the issue of job security which most of our workers have yet to attain," ani Estrada.

"So there's a need to balance the needs of the workers with the capacity of employers to ensure job preservation and job creation," dagdag niya.

Kinakailangan din umanong magkaroon ng konsultasyon ang pamahalaan kasama ang business owners sa pampublikong sektor hinggil sa nasabing panukalang batas.

"We cannot just make sure that only the labor sector will benefit from this bill. We need to strike a balance to ensure that both workers and employers will benefit," ani Estrada.

Gayunpaman, sinabi rin ng senador na sang-ayon siyang dapat nang taasan ang daily minimum wage sa Metro Manila.