Walang bagong nanalo ng jackpot para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) major lotto games nitong Biyernes ng gabi, Marso 17.

Sa isang advisory, sinabi ng PCSO na ang winning numbers para sa Ultra Lotto 6/58 ay 31 - 20 - 17 - 42 - 52 - 53 para sa grand prize na nagkakahalaga ng P49,500,000.

Gayunpaman, tatlong mananaya naman ang nanalo ng pangalawang premyo na nagkakahalaga ng P120,000, at 277 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P2,000.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo, ganap na 9 p.m.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, ang masuwerteng kumbinasyon para sa Mega Lotto 6/45 ay 07 - 04 - 43 - 34 - 01 - 27 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P21,347,907.

Dalawampu't anim na mananaya ang nakakuha naman ng ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P32,000 at 1,347 na manlalaro ang nanalo sa ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,000.

Ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 9 p.m.

Luisa Kabato