Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Zambales nitong Huwebes ng tanghali, Marso 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 12:21 ng tanghali.

Namataan ang epicenter ng lindol 13 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Masinloc, Zambales, na may lalim na 24 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa City of Alaminos, at Binalonan, Pangasinan; at City of San Fernando, Pampanga, habang Intensity III naman sa City of Mandaluyong; Quezon City; City of Taguig; Infanta, Aguilar, at Villasis, Pangasinan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Naitala rin ang Intensity II sa City of Makati; City of Baguio; Bacnotan, La Union; Bolinao, Calasiao, at Santa Barbara, Pangasinan; City of Dagupan; Bocaue, Bulacan; at Bamban, Tarlac.

Intensity I naman sa City of Malabon; City of Manila; City of Marikina; City of Navotas; Pasay City; Pateros, Metro Manila; at Santa Maria, Bulacan. 

Samantala, naiulat ang Instrumental Intensity sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Infanta, Pangasinan; Santa Ignacia, Tarlac; Cabangan, at Iba, Zambales 

Intensity II - Santol, La Union; Orani, Bataan; Cuyapo, Nueva Ecija; Bamban, at City of Tarlac, Tarlac; City of Olongapo 

Intensity I - City of Marikina; Quezon City; Pasay City; City of Vigan, Ilocos Sur; Bolinao, and City of Urdaneta, Pangasinan; Abucay, and Dinalupihan, Bataan; Calumpit, City of Malolos, Plaridel, at San Ildefonso, Bulacan; City of Gapan, at San Jose City, Nueva Ecija; Guagua, at Magalang, Pampanga; Ramos, Tarlac; Subic, Zambales 

Ayon sa Phivolcs, posibleng magkaroon ng pinsalang maidudulot ang nasabing pagyanig, ngunit wala naman umanong aftershocks na inaasahang mangyari dahil dito.