Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na hanggang Linggo na lamang ang dry run ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Sinabi ng MMDA, matatapos na sa Marso 19 ang dry run nito na sinimulan pa nitong Marso 9.

Nitong Huwebes, ipinakalat muli ng MMDA ang kanilang traffic enforcer sa Commonwealth Avenue upang paalalahanan muna ang mga motoristang lumabag sa polisya.

Huhulihin na ng MMDA ang mga lalabag sa pagsisimula ng implementasyon ng exclusive motorcycle lane sa Lunes, Marso 20 kung saan aabot sa ₱500 ang multa ng mga ito.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos