Tila pinag-uusapan ngayon ang larawan ni Darryl Yap kasama ang mag-asawang sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Inupload ni Darryl ang naturang larawan sa kaniyang Facebook account nitong Huwebes, Marso 16.

"01MARCH2023," simpleng caption ng direktor. 

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Kaniya-kaniya namang hula ang mga netizen kung bakit magkasama ang tatlo. May mga nagsasabi na baka kasama sina Matteo at Sarah sa casting ng ikatlong installment ng "Maid in Malacañang" na  "Mabuhay Aloha Mabuhay."

"Direk Darryl Yap kahit cno ganapan ni Sarah G manonood ako talaga….can’t wait!!!"

"Sige nga....i-Cancel nyo si Sarah G"

"Sarah G will be Toni G and Matteo will be Direk Paul sa MAM. 🫰"

"Direeeeekkk.. what's the meaning of thissss?'

"Bagay c Mateo maging Baste sa MAM"

"Awesome! Something good is coming..alaga nang VIVA si SARAH G"

"Si Irene at Greggy ba sila?"

"Nakow pohhh nagkaka alaman na talaga, bwahaha"

"viva artist naman kasi si Sarah G…pero iba si direk mang-asar..may laman"

"naku direk: mukhang may role sila sa MAM"

"Cast ba sila sa MAM direk?? Nakow! Tumbling mga kakampink kung ganun?"

"Ano iyan Isa si matteo sa 3 boys ni PBBM at FLL? Or di kaya si Sarah si Ms..Cristina Frasco at si Matteo ung hubby nito AY Direk Darryl Yap kaloka.ka..taba talaga Ng utak mo"

"Kasama ba sa MAM direk Darryl Yap ..?"

Gayunman, habang isinusulat ito, wala pang pahayag ang mag-asawang Guidicelli maging ang VIVA na siya ring agency ni Sarah.