Congratulations, Passers!

Tinatayang 54.49% examinees ang tagumpay na nakapasa sa Physician Licensure Exam, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) Board nitong Huwebes, Marso 16.

Sa inilabas na resulta ng PRC sa social media, ibinahagi nito na sa 2,887 na mga kumuha ng naturang exam ngayong Marso 2023, 1,573 ang pumasa.

Ayon sa PRC, ang naging topnotcher sa pagsusulit na nakakuha ng 89% passing rate ay si Aira Cassandra Suguitan Castro mula sa Mariano Marcos State University-Batac.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kinilala naman ang University of Santo Tomas (UST) bilang top performing school matapos itong makakuha ng 83.61% passing rate.

Isinagawa umano ang March 2023 Physician board exam noong Marso 5, 6, 12 at 13, na ginanap sa testing centers sa Metro Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.