Kumpiskado ng pulisya ang ₱2.5 milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa Zamboanga City nitong Huwebes.

Paliwanag ni Zamboanga City Police Office chief Col. Alexander Lorenzo, namataan ng mga tauhan nito ang isang grupo na nagbaba ng kahon-kahon ng sigarilyo sa isang sasakyan sa Don Toribio, Barangay Tetuan dakong 11:50 ng umaga.

Nang hingan ng papeles ng mga sigarilyo, bigla umanong nagtakbuhan ang mga lalaki.

Nasa 69 kahong puslit na sigarilyo ang nasamsam ng mga awtoridad, bukod ang isang sasakyan na nasa kustodiya na ng Bureau of Customs (BOC).

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang mapanagot sa batas ang may-ari ng smuggled na sigarilyo.

Philippine News Agency