Nagpasalamat si Kapuso star Bea Alonzo sa kaniyang fans at masugid na subscribers matapos maabot ang bagong milestone ng kanyang YouTube channel.

Ito ang mababasa sa update ng kaniyang channel nitong Lunes, Marso 13.

Bea Alonzo/YouTube

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“We reached 3 Million subscribers on Youtube today! Maraming salamat BEAutiful people! 💗” anang aktres.

Maliban sa kaniyang life vlogs at travels, kapansin-pansin na ring kinarir ni Bea ang maging showbiz authority dahil sa segment niya ng legit lie detector test tampok ang mga kontrobersyal na celebrities kabilang na sina Liza Soberano at Carla Abellana.

&t=1314s

Gayunpaman, makikita pa rin ang ilang personal na content ng aktres sa kaniyang channel. Sa katunayan, matutunghayan sa latest upload ni Bea ang naging Valentine celebration nila ng dyowang si Dominic Roque sa isang camping date sa Tanay, Rizal.

Sa pag-uulat, nasa mahigit 148 videos na ang mapapanod sa channel ng Kapuso star. Mula 2018, nasa 171,019,304 views na ang kasalukuyang inani ng kaniyang online community.

Congrats, Bea!