May pasilip pa sa kaniyang tiyan ang aktor sa ngayo’y viral video habang sumasayaw sa naganap na “G! Kapamilya” show ng ABS-CBN sa Milan, Italy.

Tampok ang aktor kasama ang tambalan at real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at ang aktor na si Zanjor Marudo sa isang Europe tour.

Ikinaloka naman ng netizens sa TikTok ang maikling bahagi ng show kung saan namataang sumasayaw si Joshua ng isang dance craze.

Kasama ang ilang back-up dancers, swabe at all-smile na gumiling ang aktor at litaw na litaw pa rin ang natatanging charm dahilan para hindi magkamayaw ang ilang Pilipino na dumalo sa concert.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Napa-“Oh my God” na lang din ang uploader na si Juliet Amponin habang kinukunan ang sumasayaw na aktor.

Matapos ibahagi sa TikTok kamakailan, instant viral at lalo pang na-inlove ang maraming fans sa Kapamilya star.

“Si joshua nalang talaga nagpapawala ng badtrip ko sa araw-araw HAHAHJAJQJAJA,” komento ng isang TikTok user.

“i need another pov,” hirit naman ng isa pa.

“nagulat mama ko bat daw ako nasigaw 😭,” laugh trip na pagbabahagi ng sumunod na netizen.

“Hindi ko snabing mag gaganyan ka dyan joshua!!!”

“kahit ako sisigaw ng "oh my God" e may kasama pang "take me Lord" 😂”

“ANG LIKOT MOOOOOOOOOO NAWALA AKO SA MAIN EVENT!”

“Sabi ng mama ko bakit daw paulit ulit yung tug-tog😳”

“Apaka good naman ng morning! 😁😁🥰”

Umabot na sa mahigit 220,000 likes at 2.1 million views ang viral video sa pag-uulat.