Isang maikling mensahe ni Ogie Alcasid para sa misis na si Regine Velasquez ang mababasa sa isang social media post kamakailan.

Ito’y bago na naman magkawalay ang dalawa dahil sa nalalapit na tour ni Songbird kasama si Megastar Sharon Cuneta sa Amerika.

Basahin: Award-winning ‘Iconic’ concert nina Megastar, Songbird, muling lalarga sa US ngayong Marso – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pelikula

Vice Ganda, sumawsaw sa iringan ni Carlos Yulo at pamilya?

“Be safe my love. Will miss you again. Shine for Jesus with BFF @reallysharoncuneta and the whole Iconic Team!!! 🙏🙏🙏❤️❤️❤️,” mababasa sa caption ng OPM hitmaker sa Instagram kalakip ang larawan nila ng misis.

Matatandaang absent din ang mister sa serye ng successful Valentine concert ni Regine noong Pebrero dahil sa commitment nito sa ilang shows naman sa Switzerland.

Basahin: Ogie Alcasid, malungkot, hindi mapapanood ang concert ni Regine Velasquez – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Parehong aktibo pa rin sa showbiz sina Ogie at Regine na tila wala namang balak pang magretiro sa ngayon sa kaliwa’t kanang mga ganap.

Ang OPM icons ay regular din sa Sunday musical variety show na ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN.

Samantala, isang bag na regalo naman kamakailan ang ibinigay ni Ogie sa misis.

“Thank you baba @ogiealcasid ❤️❤️❤️ thank you also to @madeloveluxe! 😘😘😘” mababasa sa caption ni Songbird.

Aarangkada ang show ng ‘Iconic’ duo simula Marso 17 sa San Jose, California.