Ngayong 2023 nakatakdang mabuo ng Star Cinema ang comeback film nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pero ang twist, hindi na ito pelikulang pampakilig lang!

Muling natanong ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina ukol sa naunsyaming pelikula at sana’y pagbabalik sa mga sinehan ng onscreen at real-life couple noong 2020.

Matatandaang dapat bibida sa materyal na “After Forever” ang dalawa ngunit dahil sa Covid-19 ay kalauna'y hindi na ito natuloy.

Pagkumpirma na ni Direk Cathy kamakailan: “Yes, I am dong a KathNiel movie sometime in June it will start.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Noong Disyembre 2022, parehong kumpirmasyon din ang binitawan ng direktor na paniguradong susunod niyang proyekto matapos ang kaniyang 2022 Metro Manila Film Festival entry na “Partners In Crime” tampok sina Vice Ganda at Ivana Alawi.

Kung romantic-comedy ba ang next film ng KathNiel, agad na pagtanggi ang naging saad ng direktor.

“The KathNiel movie is very different. It’s something new and we’re all very excited for KathNiel. Basta, kakaiba! Nanggaling sa aming lahat [na hindi ito gawing romcom], aside from gusto rin nila na makitang bago naman sila,” sey noon ni Direk Cathy.

Kilalang suki na ang direktor ng mga proyekto ng KathNiel mula pa noong 2013.

Kabilang sa mga materyal na nabuo ng tambalan sa pangunguna ni Direk Cathy ang “Got to Believe,” “She’s Dating the Gangster,” “Pangako Sa’yo,” “La Luna Sangre,” at ang isa pang blockbuster film na “The How’s Of Us.”

Sa ngayon, wala pang opisyal na anunsyo o dagdag detalye ang Star Cinema at ang ABS-CBN ukol sa nakalatag na project ng KathNiel.