Nagbigay ng reaksiyon ang mamamahayag na si Ramon "Mon" Tulfo sa isa sa mga Facebook post ni Jay Sonza, kaugnay ng isyu sa pagitan ng dating Kapamilya actress na si Liza Soberano at dating talent manager na si Ogie Diaz.

Naglabas kasi ng saloobin si Sonza tungkol sa inilatag na breakdown ni Liza hinggil sa kaniyang talent fee kung saan 30% ay napupunta kay Ogie, ang 20% ay sa road manager, at 10% naman sa Star Magic ng ABS-CBN, bagama't nilinaw ni Liza na sa teleserye lamang kumukuha ang talent arm management ng network at hindi sa endorsements niya.

"SIKAT KA NGA, PERO IBA ANG YUMAMAN SA KINITA MO," saad ni Sonza sa kaniyang Facebook post.

"Ang nagdudumilat na katotohanan."

Liza Soberano, ginawa raw 'gatasan' ni Ogie Diaz; puwede raw kasuhan, banat ni Jay Sonza

"Base on her recent revelations, and on account of the tax regime applied on taxable income, it would appear that her ACTUAL net income is roughly in the minimum of 28% ONLY."

"Tapos, dito pa kinukuha iyong up keep tulad ng wardrobe, jewelries, hygiene, mobility, iyong lambing o harbat ng mga movie reporters/announcers, bayad sa alalay, make up artist, etc."

"Mula sa gross amount of Contract/Engagement/Shoot or Taping Fees, kukunin ang mga komisyon ng talent manager (30%), guardian/talent scout/road manager (20%) and star magic/abs-cbn talent center (10%), plus other taxes (VAT, Income) and other mandatory & legal deductibles."

"EXPLOITATION BA ANG TAWAG DOON?"

"Abuso siguro ang akmang pagsasalarawan!"

Screengrab mula sa FB ni Jay Sonza

Sa comment section ay makikita naman ang reaksyon ni Tulfo, mula sa kaniyang verified Facebook account.

"Exploitative ang showbiz," aniya.

Screengrab mula sa FB ni Jay Sonza

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"totoo yan Lalo na sa mga alalay nila na Kung Wala sila di naman mabuo Ang movie o serye. Ang main actors lang Ang laki ng kita at mga agents nila"

"marahil sa na experience na ni Liza dito sa pinas showbiz mas maingat pa syang lalu sa Hollywood carer nya po…sana nga lang tuloy tuloy na"

"Ramon Tulfo and you think Hollywood is way better? You have no idea what's going on inside Hollywood."

"Pakitulungan si Liza sir."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Diaz tungkol sa mga banat sa kaniya ni Sonza.