Viral online ang isang grade 6 student matapos makipagpustahan sa kaniyang kaibigan na matuto siya ng trigonometry sa loob ng isang linggo para sa ₱10.

Kinabiliban ng netizens ang TikTok video na ibinahagi ng isang user na si PJ sa TikTok tampok ang kaniyang grade 6 na pamangkin na si Andrei habang ito'y nag-aaral ng trigonometry.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ipinaliwanag ng bata na para sa halagang ₱10, sinusubukan ng bata sa video na matuto ng trigonometry sa online para patunayan na kaya niya itong maintindihan sa kaibigan.

"Nanalo po siya sa pustahan nila HAHAHAHA Pinakita niya po sa kalaro niya na kaya niyang sagutan yung SOHCAHTOA. Babayaran na daw siya bukas," ani PJ.

Narito naman ang ilang komento ng netizens:

"The design that we cannot relate."

"Trigo na lang kesa chemis."

"Yeah, that's the spirit bata! goodluck!"

"Noong college life ko gusto ko ng sumuko basic palang yon, statistics palang para na akong nanguha ng kuhol sa gitna ng EDSA"

"Iba talaga ma bored ang genius"

" Ang galingggg"

"New curriculum for 21st Century Education."

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!