Sumagot na ang dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz sa mga naging pasabog ng dating alaga, sa part 1 ng "Fast Talk with Boy Abunda" na umere noong Biyernes, Marso 10.

Ginawa ang episode sa "Ogie Diaz Showbiz Update" bandang Sabado ng gabi.

"Hangga't maaari, hangga't kaya kong unawain ang dati kong alaga, na ngayon naman ay anak-anakan ko, ay hindi para magsalita tayo o kontrahin siya kung ano ang kaniyang paniniwala kasi paniniwala 'yon ni Liza eh," paliwanag ni Ogie.

Mas nais daw bigyang-reaksyon ni Ogie ang cliffhanger sa part 2.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Batay raw kasi sa himig ng pagsasalita ni Liza, may himig ng tampo ang dating alaga sa kaniya.

Matapos ngang umere ng part 2 kahapon ng Lunes, Marso 13, totoo ang hinala ni Ogie na may tampo nga sa kaniya si Liza; hindi lamang iyon, marami pang ibinahagi ang aktres tungkol sa kanilang commission.

Nilinaw ni Ogie na wala siyang anumang galit o tampo kay Liza.

"Feeling ko sa tono ng pananalita ni Liza, may himig siya ng hinampo sa akin, pero… hmmm… ako wala, galit… tampo… wala, lagi 'yong prayers ko na sana ay nasa maayos na lagay si Liza, nasa maayos ang kaniyang mindset, state of mind niya… 'yon lang, hindi para kontrahin si Liza," paliwanag ni Ogie.

Marami naman ang abangers ngayon kung mababago ba ang magiging damdamin o pahayag ni Ogie matapos ang part 2 ng panayam kay Liza.

Bukas naman daw ang Fast Talk sa panig nina Ogie Diaz at Star Magic hinggil sa isyu.