Para sa bagong kinorohanang Miss International Queen Philippines 2023 na si Lars Pacheco, hindi niya maaabot ang tagumpay sa korona kung wala ang maraming tumulong sa kaniyang journey.

Una na niyang pinasalamatan ang kanyang long-time boyfriend at kapwa online content creator na si Clyde Vivas na noon pa man ay katuwang na niya sa kaniyang marami nang pageant journey.

Ito ang tampok sa Facebook post ng Transpinay beauty queen nitong Lunes, Marso 13.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“I always have you in the days when everything is so heavy thank you for being my home. 🤍In defeat and in victory baby,👑” maikli at espesyal na saad ni Lars para kay Clyde kalakip ang larawan noong unang sumabak sa nasabing pageant at matalo at nito ngang sa wakas ay nasuot na ang korona.

Basahin: Lars Pacheco, wagi bilang Miss International Queen Philippines 2023 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa hiwalay ring Facebook post, ilang serye ng mga taong naging naging bahagi kaniyang tagumpay at itinuturing na “support system” ang isa-isa niyang pinasalamatan.

Basahin: ‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tatangkain ni Lars ang back-to-back win sa Miss Queen International 2023 pageant sa Thailand.