Inamin ni Kapuso star Bea Alonzo sa panayam ng socialite-vlogger na si Small Laude na muntik na silang maghiwalay noon ng boyfriend na si Dominic Roque.

Isa sa mga nauntag ni Small kay Bea ay tungkol sa kanilang relasyon.

"How's your lovelife?" tanong ni Small.

"Masaya!" sey kaagad ni Bea.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Dumating na raw ba sa puntong nag-away sila at humantong sa hiwalayan?

“Break? Simula noong naging kami, hindi pa kami nag-break. Muntik kami mag-break. But hindi kami natuloy," buking ni Bea.

Hanga raw si Bea kay Dom dahil sa galing nitong humawak ng kanilang relasyon.

“Actually, bilib din ako sa kaniya because he always wants to really make it work. Siguro because nobody's perfect, I'm not perfect. There are times that parang sa sobrang paso ko, inisip ko, 'I'm good at goodbyes.' Alam ko na 'to eh. Ito na naman ako. Parang gano'n."

"But then he makes me realize that, you know, hindi naman… it shouldn't end that way and that it shouldn't end at all that there are parts of a relationship that can be worked out and these are the things that could make you better as a couple because kapag napagdaanan niyo na 'to, mas titibay kayo bilang couple, ani Bea.

Umaasa rin si Bea na sana raw, si Dominic na talaga ang "The One" para sa kaniya.

"Sana... I don't take relationships lightly," aniya.

Si Dominic ang sumunod na karelasyon ni Bea pagkatapos ng ex na si Gerald Anderson.