Dahil sa kapansin-pansin ngayong pagpayat pa lalo ng Boholana-Belgian pageant veteran na si Pauline Amelinkx, hindi maiwasang matanong ang beauty queen kung kumakain pa ba ito sa ngayon, bagay na kaniya ngang nilinaw.

Ito ang laman ng kaniyang Instagram post na kaugnay pa rin sa isa sa kaniyang adbokasyang body positivity.

View this post on Instagram

A post shared by Pauline C. Amelinckx (@paulineamelinckx)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“We are all built differently, but we are all built beautifully, ❤️” bungad na caption ni Pauline para sa serye ng mga larawan tampok ang kanyang sexy figure.

Basahin: Pauline Amelinckx na biktima ng body shaming, iflinex ang kaniyang ‘strong body with a stronger spirit’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Lalo pang pagpapaalala ng beauty queen sa sarili: “Learning and re-learning to love and appreciate my body, for all that it enables me to do, free from external voices, is a non-linear, continuous journey. When external voices expect perfection, it's important we simply celebrate our progress.”

Sinagot naman ng pageant veteran ang kadalasang tanong aniya sa ngayon ng tao kasunod ng lalo pa niyang pagpayat.

“In my health journey, many have recently asked if I still eat 😅 Of course I do. its me, i love food 😅 but I now eat smarter, not less. That simple change along with a strong spirit and a happy mind manifested into a strong body that’s now even more capable of carrying me through life,” pagbabahagi ng beauty queen.

Pagtatapos niya, dapat aniyang ipagdiwang ng bawat isa ang unti-unting pag-usad at ang bawat sarili, higit sa lahat.

Si Pauline, sa ikatlong pagkakataon, ang isa sa mga frontrunner sa Miss Universe Philippines 2023.