Secret reveal ang peg sa diretsa at nakakaaliw na sagot ng singer na si Katrina Velarde sa isang netizen na nagtanong kung paano niya nakilala ang Slovak pilot boyfriend, ang bagong pag-ibig higit isang taon matapos mabyuda noong 2021.

Basahin: Afam na VIP pilot, bagong pag-ibig ni Katrina Velarde higit isang taon matapos mabyuda – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Wala pang masyadong detalye si Kat pero malinaw na hindi dahil sa patok na online dating application nakilala ng singer ang nagpapatibok sa kaniyang puso ngayon.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Pang-intriga na kasi ng isa sa kaniyang followers: “App reveal po idol!’”

“Gumala ka lang be!” pilya at tinawanang hirit ng aktres.

Kung bet magka-dyowa, humayo at maghagilap ang peg ng advice ni Kat.

Basahin: 3 senyales na ‘di ka pa ‘mentally ready’ para magkajowa, ayon sa isang doktor – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang nagbahagi ng kaniyang saloobin si Kat kasunod ng kaniyang bagong pag-ibig. Hangad din niyang maranasan ito ng masugid na mga tagasuporta.

“Para sa mga taong may mabigat na pinagdaanan. Allow yourself to be happy again, fall inlove again❤️Lahat ng dumadaan sa buhay natin meron tayong natututunan❤️but that doesnt mean we move on, but we move forward. Life is too beautiful🙏There's somuch future ahead for you, ❤️” aniya.