Palaban na bagong pag-ibig ang proud na ibinahagi ng singer at Viva artist na si Katrina Velarde mahigit isang taon matapos mabyuda ng dating afam ding asawa.

Ito ang all-smile at inlababong paglalarawan ng singer matapos ibahagi na sa kaniyang mga social media account, sa kauna-unahang pagkakataon, ang larawan niya kasama ang isang foreigner boyfriend.

“Hi captain and my pilot in command 👨‍✈️You took off so fast and nicely LANDED in my heart and i was NOT prepared for your ARRIVAL ✈️But here you are with me right now,” echuserang saad ni Katrina sa larawan nila ng Slovak lover.

Basahin: Netizen, kinuwestyon ang titulo ni ‘Asia’s Vocal Supreme’ Katrina Velarde: ‘Paano siya naging Asia’s?’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang Nobyembre 2021 nang mamaalam si Katrina sa dating asawa at kapwa musician na si Mike Shapiro, ilang buwan lang matapos ikasal noong Mayo ng parehong taon.

Saad ni Katrina sa newly found love: “Maraming nawala, pero nung dumating ka mas kinumpleto mo ang lahat. Salamat sayong pagmamahal. Nakangiti na ulit ang aking puso, walang pag aalinlangan at punong puno ng galak, at handang ipakilala ka sa lahat... I THANK GOD THAT HE ALLOWS ME TO FALL INLOVE AGAIN 🙏❤️

“It's not afam is life, it's your love that is life,” pagtatapos niya.

Basahin: American singer Jim Brickman, humanga, napabilib sa ‘Valentine’ cover ni Katrina Velarde – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pinusuan at masaya ang kalakhang followers ng aktres na kalauna’y inulan rin pagbati.

Isang very important person (VIP) pilot ang hindi pinangalanang boyfriend ng singer, base sa kaniyang chika sa comment section.

Samantala, may paalala naman ang singer sa mga may kasalukuyang dinadala ngayon sa buhay.

“Para sa mga taong may mabigat na pinagdaanan. Allow yourself to be happy again, fall inlove again❤️Lahat ng dumadaan sa buhay natin meron tayong natututunan❤️but that doesnt mean we move on, but we move forward. Life is too beautiful🙏There's somuch future ahead for you,” aniya.

Sa Facebook pa lang, nasa mahigit 19,000 reactions ang naging resulta ng pagflex ni Katrina sa bagong dyowa.

Congrats, Kat!