Kinagiliwan ng mga netizen ang tila "hamon" ni Unkabogable Phenomenal Star at "It's Showtime" host Vice Ganda kay Kapamilya actress Andrea Brillantes.

Pinuri kasi ng kaniyang co-hosts na sina Vhong Navarro at Anne Curtis ang kaniyang kakaibang glow. Bida naman ni Vice Ganda na umawra-awra sa camera, sino raw bang mag-aakalang 47 anyos na siya?

"Mukha bang 47 this month?" sey ni Vice Ganda.

Birong hamon niya kay Andrea, "Sabi ko nga, 'Andrea Brillantes, 'pag 47 ka, send me your picture!"

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Makikita rin ito sa opisyal na Facebook page ng TV5 kung saan napapanood din ang noontime show.

Hirit naman ni Vhong, kapag tiningnan naman ang mga paa ni Vice, doon daw makikita ang kaniyang tunay na edad.

Sey naman ng mga netizen, kung ihahambing sa dating anyo ni Vice Ganda ay malayo na nga ang inimprove ng hitsura nito.