BACOLOD CITY – Arestado ng mga awtoridad ang isang senior citizen na nakuhanan ng 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000 sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay 5, San Carlos City noong Sabado, Marso 11.

Kinilala ng magkasanib na tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Negros Occidental at Philippine National Police ang target na tulak ng droga na si Rovener Nemenzo, 61, ng Barangay 6.

Ayon sa PDEA, high value target si Nemenzo.

Samantala, arestado din ang 14 na drug personalities habang P197,860 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa noong Marso 1 hanggang Marso 12 sa mga lungsod ng La Carlota, Bago, Cadiz, Kabankalan, Victorias, Escalante, Talisay, at San Carlos City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dinakip din ng mga pulis at ahente ng PDEA ang limang iba pa sa mga bayan ng Pontevedra, Manapla, La Castellana, at Binalbagan sa lalawigan sa parehong panahon.

Glazyl Masculino