Patay na nang matagpuan ang nawawalang tripulante ng isang tugboat sa Cebu nitong Sabado, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Dakong 1:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ni Joseph Villamor na lumulutang sa karagatang bahagi ng Barangay Ibo, Lapu-Lapu City.

Sa social media post ng PCG, tumalon umano sa dagat ang tripulante matapos lumubog ang sinasakyang tugboat na MTUG Nagasaka matapos masagi ng hinihilang cargo ship na LCT Jana Juliana mahigit 182 metro na lamang mula sa Colorado Shipyard sa Cebu nitong Marso 10.

Binabantayan na ng Coast Guard ang pinaglubugan ng naturang tugboat sa posibleng pagtagas ng 60 litrong langis nito.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagsasagawa na rin ng marine casualty investigation ang PCG kaugnay sa insidente.